P1-M shabu nakumpiska sa 4 drug trafficker

DAKIP ang apat katao makaraang makumpiskahan ng P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang drug-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mall sa Pampanga kahapon, Marso 23.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA director general, Usec. Jose S. Gutierrez Jr., kinilala ang mga nahuli na sina Ener Canlas Palma, 46; Emee Bangcaya Porras, 32; Jean Alfonso Tagampa, 23; at Arwin Lagman Roxas, 26.

Nakumpiska sa apat ang isang itim na bag na naglalaman ng plastic sachet na may lamang shabu na tinatayang nasa 200 gramo at may street value na P1 milyon.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nahuling suspek habang ipinasusuri na ang nakumpiskang pulbos sa Laboratory Service para sa chemical analysis.

Dahil dito nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 26 (Attempt or Conspiracy), sa ilalim ng Article II, Republic Act 9165. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply