P15 milyon piso gagastusin sa impeachment hearing

TUMATAGINTING na P15 milyong pera ng taongbayan ang nakatakdang gastusin ng Senado para lamang sa paglilitis ng impeachment case ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Aabot ng mahigit anim na buwan ang isasagawang paglilitis na inaasahang magsisimula sa Mayo nitong taon.

Ito ay ayon sa tantiya ni Rep. Neil Tupas, Jr., Chairman ng Committee on Justice at isa sa magiging taga-usig. Ikinumpara niya ito sa impeachment ni dating pangulong Joseph Estrada.

Samantala, aprubado na ang rules para sa impeachment proceedings. Ayon sa rules, pupuwedeng makapanayam ang mga senador, na tatayong mga hukom, sa media subalit dapat hindi mabanggit ang merito ng kaso.

Nakatakdang simulan ang pagdinig sa Mayo 9, 2011. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply