P2.45B advances ng 39 ahensiya ‘di pa naiuulat

UMABOT na sa P2.45 bilyon mula sa kabuuang P3.2-bilyon cash advances ng may 39 ahensiya ng pamahalaan ang hindi pa naiuulat, ayon sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ng Ombudsman Public Assistance and Corruption Prevention Office (Pacpo) sa ulat na noong Pebrero 2011, P748 milyon pa lamang ang na-liquidate mula sa nasabing kabuuang halaga.
Ang liquidation rate aniya ng mga ahensya ng gobyerno ay umabot lamang sa 23 porsiyento.

Nasa 39 ahensiya ng gobyerno ang nakaabot ng 100% liquidation rate kabilang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); Bureau of Corrections (BuCor); Duty Free Philippines (DFP); Manila International Airport Authority (MIAA); National Power Corporation (NAPOCOR); Securities and Exchange Commission (SEC); Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS); Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB); at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Dahil dito inirekomenda ng Pacpo ang pagbuo ng fact-finding investigation ng 22 tauhan ng Department of Health (DOH) at National Irrigation Administration (NIA) dahil sa paglabag sa patakaran ng Commission on Audit (COA), sa pagpapabaya sa tungkulin, kabiguan na magsumite ng account, malversation at paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Naghahanda rin ang Pacpo sa paghain ng kasong kriminal at administratibo laban sa tatlong kawani ng Department of Eduation (DepEd).

Nauna nang kinasuhan ng malversation ang mga tiwaling empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa kabiguan na ma-liquidate ang P75,000.

Bago ito, pinayuhan na rin ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez ang mga opisyal ng naturang ahensiya ng pamahalaan na ipansamantalang ipatigil ang pagbibigay ng sahod o anumang pera sa kanilang opisyal at mga kawani na mabibigo sa pag-liquidate ng kanilang cash advances. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply