P2 oil price hike pinakakalkal sa COA

NAIS malaman ng isang senador kung makatuwiran ang panibagong P1.25 – P2 patong sa halaga ng gasolina kaya hiniling niya sa Commission on Audit (COA) na buksan ang libro ng mga kompanya ng langis.

Inihayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat utusan ni Pangulong Benigno Aquino III ang COA na buksan at eksaminin ang libro ng mga lokal na kompanya ng langis upang mailantad kung may basehan ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nitong Marso 1, nagdagdag ng P1.25 hanggang P2 kada litro ng gasolina at P1 naman sa halaga ng diesel at kerosene products kasunod nang paglobo ng presyo ng refined petroleum products sa pandaigdigang pamilihan ng ilang kompanya ng langis.

Tinukoy pa ni Cayetano na ilan sa mga kompanya ng langis ang nag-uulat na sila ang may pinakamalaking kinikita taun-taon, pero bantulot naman siya na ibaba ang presyo ng produktong petrolyo.

“Palagi nilang ikinakatuwiran na malulugi sila kapag ibinaba ang presyo,” giit ni Cayetano.

Ayaw naman husgahan ni Cayetano kung tama o mali ang mga kompanya ng langis.

Kaya, sa halip, hinamon niya ang gobyerno na ipatupad ang transparency sa mga kompanya ng langis para sa consumer.

“We simply want to protect the welfare of consumers,” dagdag ni  Cayetano.

Ipinaliwanag pa ni Cayetano na sa pamamagitan ng COA ay maaaring mabuksan ng gobyerno ang mga libro ng kompanya ng langis, upang matukoy kung walang overpricing at pinagbasehan ang pagtataas ng presyo ng langis sa puwersa sa pamilihan.

“Kung wala silang itinatago, wala silang dapat ikatakot,” giit ni Cayetano. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply