P20-B ACEF fund ng DA nawawala

NAIS matunton ng magkapatid na mambabatas ang hindi maipaliwanag na P20-bilyon pondo ng Agricultural Competiveness Enhancement Fund (ACEF) na pinangangasiwaan ng Department of Agriculture (DA).

Sa pamamagitan ng House Resolution no. 1028, hiniling nina Reps. Rufus at Maximo Rondriguez Jr. na magsagawa ng imbestigasyon ang House committee on agriculture hinggil sa nawawalang pondo.

Ang ACEF ay ipinatupad noong taong 1996 bilang pagkukunan ng pangsuportang pondo sa mga pangkabuhayang agrikultura para makatulong ito sa mga magsasaka, mangingisda, kooperatiba at agri-business enterpreneurs upang hindi sila mapag-iwanan sa patuloy na paglaki ng globalized agricultural market.

Itinatag ang ACEF, na napalawig hanggang 2015, bilang pamalit sa quantitative import restrictions sa produktong agrikultura bukod sa bigas, sa may mga tariffs and collections.

Sa kasalukuyan, ayon sa mga mambabatas, ang ACEF program ay suspendido dahil sa malaking  bahagi ng nasabing pondo ay nawawala.

Ang P20-bilyon pondo nito noong 2009 ay lumiit at naging P5 bilyon na lamang sa kasalukuyan.

Hindi pa maipaliwanag ng DA kung saan napunta ang nawawalang halaga.

Ayon sa mga mambabatas, nakasaad sa DA report na tanging P200 milyon ang nasa loan repayments simula noong 2002 ang hindi pa rin accounted for at umaabot  sa P900 milyon naman ang dapat sanang i-release sa mga magsasaka at mangingisda ang hindi pa liquidated.

Tinawag ng mga mambabatas na “very attractive” ang ACEF para sa mga tiwali, abusadong grupo, at  indibiduwal dahil ang pautang na ito ay walang interes  at wala ring kolateral.

Ibinunyag din ng magkapatid sa kanilang resolusyon na may mga report na ilan sa mga umutang ay hindi kabilang sa “poorest of the poor” na sektor, gayung ayon sa kanilang profiles ay mga kwalipikado ang mga ito sa mga pautang ng mga  commercial banks.

Taliwas ito anila sa nagiging layunin ng ACEF para tulungan ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply