P225-M danyos hinihingi ng kaanak ng Maguindanao massacre victims

HUMIHINGI ng P225 milyon bilang danyos ang mga kaanak ng ilang biktima ng karumal-dumal na Maguindanao Massacre kung saan napatay ng mahigit 30 mamamahayag ng mga armadong lalaking hihinalang mga miyembro at tauhan ng pamilya Ampatuan.

Ito ang naging kaganapan sa pagpapatuloy ng paglilitis sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, Biyernes ng umaga sa pagsisimula ng pagpipresenta ng prosekusyon sa mga kaanak ng biktima para sa aspetong sibil ng kaso.

Ito ang kauna-unahang presentasyon ng mga kaanak ng mga biktima na humihingi ng tig-P15 milyon danyos para sa 15 biktima na kinakatawan ni private prosecutor Harry Roque.

Unang iprinesenta si Ramonita Salaysay, asawa ni Napoleon Salaysay, editor-in-chief at publisher ng “Clear View Gazette.”

“No amount of money can replace the life of my husband,” sabi ni Ramonita nang tanungin siya ni Roque kung magkano ang halaga ng nasira sa kanila nang mapatay ang asawang si Napoleon.“But if the perpetrators would be made to pay for it, I would want them to pay P10 million (in moral damages).”

Idinagdag ni Ramonita na kailangan ding magdagdag ng P5 milyon ang mga akusado para hindi na nila uulitin pa ang ginawang pagpatay sa mamamahayag.

Ayon kay Ramonita, gumastos na umano siya ng P115,000 para sa burol at pagpapalibing sa kanyang asawa.

Halos nagsisimula pa lang ang testimonya ni Ramonita nang tahimik namang lumuha ang mga kaanak ng 10 pang biktima na kinabibilangan ni Myrna Reblando, na nang hindi na makontrol ang sarili ay lumabas na lamang sa silid-litisan.

Nabatid kayRoque na nais ng bawat pamilya ng 15 biktima – karamihan ay mga mamamahayag – na magbigay ng danyos na P10 milyon sa moral damages at P5 milyon sa exemplary damages ang mga Ampatuan. Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply