P225M hinihingi ng biktima ng Maguindanao Massacre

AABOT sa P225 milyon ang hinihingi ng mga kaanak ng ilang biktima sa Maguindanao Massacre.

Ito’y matapos na humingi ng P15 milyon bawat isa ang 15 sa mga kamag-anak ng biktima matapos silang ipresinta ng prosekusyon sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 221.

Unang iprinisinta ni private prosecutor Harry Roque si Ramonita Salaysay, asawa ni Napoleon Salaysay na editor-in-chief at publisher ng Clear View Gazette.

“No amount of money can replace the life of my husband,” sabi ni Salaysay nang tanungin siya ni Roque kung magkano ang halaga ng nasira sa kanila nang mapatay ang asawa.

“But if the perpetrators would be made to pay for it, I would want them to pay P10 million (in moral damages),” ayon pa kay Ramonita.

Sinabi pa ni Salaysay na kailangan ding magdagdag ng P5 milyon ang mga akusado para hindi na nila uulitin pa ang ginawang pagpatay sa mga mamamahayag.

Gumastos umano siya ng P115,000 para sa burol at pagpapalibing sa kanyang asawa.

Nabatid mula kay  Roque, nais ng bawat pamilya ng 15 biktima na magbigay ng  P10 milyon bilang  moral damages at P5 milyon naman sa exemplary damages ang mga Ampatuan. Jan Sinocruz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply