P27-M road widening ng DPWH haharangin

HAHARANGIN nina Cebu City Gov. Gwendolyn Garcia at Rep. Eduardo Gullas ang nakatakdang P27 milyon road widening ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan.

Ito ay dahil mapuputol umano sa nasabing proyekto ang mga punong century-old na at sertipikado na landmark ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Philippine Historical Institute.

Nabatid na kasamang mapuputol sa proyekto ng DPWH ang lahat ng heritage acacia trees sa kahabaan ng Naga-Carcar Road ng Cebu.

Ayon kay Environment and Natural Resources executive director Maximo Dichoso, ang heritage trees ay kailangang ipreserba at hindi umano sila papayag sa balak ng DPWH.

Magsasampa ng petisyon ang Carcar Heritage Council laban sa proyekto ng DPWH na sisira sa mga puno at makasaysayang mga kabahayan sa lalawigan. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply