P3-M medical equipment naabo sa sunog

TINATAYANG nasa P3 milyon halaga ng medical equipment ang naabo matapos masunog ang isang gusali na ikinadamay pa ng isang commercial building malapit sa San Lazaro Hospital sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila, Sabado ng umaga, Marso 19.

Ayon sa Manila Fire Department, dakong 9:39 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng Ortho Medilink at nadamay pa ang Nanagas Building sa Remigio St., corner Rizal  Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Ang naturang sunog na umabot sa ikaapat na alarma ay nagsimula sa printing press na nasa ikalawang palapag ng Ortho Medilink na hinalang sanhi ng electrical faulty wiring.

Naapula ang sunog bandang 10:26 ng umaga.

Dahil sa nasabing sunog ay pansamatalang isinara ang kalsada ng Blumentritt hanggang Mayhaligue Avenue para sa mga motorista.

Ang maitim na usok naman ang dahilan ng pagkaantala ng biyahe ng Light Rail Transit (LRT). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply