P40.2-M inanod ng baha sa Visayas

TINATAYANG P40.2 milyong halaga ng palay ang nasira ng baha sa Eastern Visayas Region sa Rehiyon 8.

Ayon kay Department of Agriculture Region 8 Executive Director Leo Cañeda, umabot sa 12,050 metric tons na palay ang nasayang at 11,906 na magsasaka ang apektado sa rehiyon.

Nobenta porsiyento sa pinsala ay galing sa lalawigan ng Leyte samantalang ang sampung porsiyento ay sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Western Samar, Northern Samar at Southern Leyte.

Pinag-aaralan na ng tanggapan ni Cañeda ang pamamahagi ng certified seeds para makabawi kaagad ang mga magsasaka.

Nilinaw din ng opisyal na hindi maaapektuhan ang produksiyon ng palay sa rehiyon dahil ang nawala ay isang porsiyento lamang sa kabuuang saka ng palay sa buong rehiyon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply