P43.6-M Ray-Ban nasamsam ng NBI

KINUMPISKA ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may P43.6-milyon halaga ng pekeng Ray-Ban na sunglasses sa magkakasunod na pagsalakay na isinagawa noong Lunes, Marso 21, sa mga establisimiyento sa Binondo, Maynila.

Umabot umano sa 10,900 piraso ng mga pekeng Ray-Ban sunglasses ang nasamsam ng mga ahente ng NBI na armado ng search warrant sa pagsalakay sa nasabing mga establisyimento.

Kabilang sa mga sinalakay ng NBI ang R. Layumas General Merchandise at establisimiyento ni Robin Ong, na may stall no. 58-60, na matatagpuan sa G/F ng New Divisoria Mall, Tabora St.; at dalawang stockrooms na nasa Unit 5S-3, 5/F, Juan Luna Plaza, Juan Luna St.; at 3/F, Vijinnah Shop General Merchandise, No. 1034 Roman St., pawing nasa Binondo, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Trademark Infringement and Unfair Competition sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines kilala bilang Republic Act 8293 ang mga may-ari ng nabanggit ng naturang establisimiyento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply