P5 dagdag sa presyo ng baboy nakaamba

NAKAAMBANG magpapatong ng P5 sa kada kilo sa presyo ng baboy sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup, ang pagtaas ng halaga ng baboy ay hindi maiiwasan dahil sa pagtaas ng halaga ng feeds at iba pang pagkain ng baboy sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan ay P150 hanggang P160 ang kilo ng baboy at inaasahang magiging P155.00 hanggang P165.00 na sa susunod na linggo.

Panawagan ni Salacup na maaaring humanap ng ibang substitutes, tulad ng mais at cassava na pakain sa mga baboy, upang maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng feeds.

Binigyang diin ni Salacup na kapag nagtaas ang halaga ng karne ng baboy, posibleng sumunod na rin ang mga magmamanok ngunit hindi ito tataas pa sa P130 kada kilo ng manok.

“Pag masyadong mataas ang presyo sa palengke, [magiging] apektado ang consumption pattern, pag isang commodity may kataasan lilipat [ang Pilipino] sa ibang commodity.” dagdag ni Salacup.

Gayunman, ang presyo anya ng gulay at isda ay nananatiling stable at walang magaganap na pagtataas sa halaga nito. Santi Celario

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login