P792.2M pondo sa repatriation ng OFWs

NAGLAAN na ang Malakanyang ng kabuuang P792.2 milyon pondo na pagkukunan ng gastos para sa mga paglilikas ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga bansa na patuloy ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa.

Ito ang iniulat kahapon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad. Aniya, may sapat na pondo nang inilaan ang gobyerno na siyang tutulong sa walang puknat na repatriation drives ng pamahalaang Pilipinas upang masiguro na ligtas ang mga migranteng Pinoy na nagnanais na makabalik na ng bansa.

Ang malaking bulto ng pondo na nagkakahalaga ng P500 milyon ay magmumula sa OFW trust fund na inaprubahan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Board of Trustees.

Ayon pa kay Abad, manggagaling naman sa Assistance to Nationals (ATN) fund ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang halagang P169.2 milyon na mula sa 2010 Continuing Appropriations Fund at P50 milyon naman ang ambag ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Idinagdag pa ni Abad na sa direktiba ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ay matamang nagmo-monitor ang DOLE, DFA, OWWA at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga kaganapan at pangangailangan ng mga kababayang Pinoy sa Japan.

“The P50 million fund released to DOLE will be used for the relocation to pre-designated holding areas of OFWs in Middle East such as the Philippine School in Tripoli and the Philippine School in Benghazi, both in Libya,” dagdag ni Abad.

“Likewise, this fund will be used for the airfare of evacuated OFWs to Manila via Qatar Airways and Philippine Airlines,” paliwanag pa niya. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply