Paano yumaman sina RR at Congressman Arquiza?

PATAY malisya si BOC Coll. RR sa banat ng ULTIMATUM ukol sa kanyang magarbong pamumuhay kasama ang kanyang kabit na si Gina .

Napakasuwerte ng babaeng ito dahil kahit na niloloko si RR ay tuloy pa rin ang sustento.

Sa katunayan ay ibinili pa ni RR si Gina ng sosyal na condo sa Eastwood.

Ooops! Pero nakatakda na rin daw lumipat itong si Gina dahil sa dami ng naghahabol dito.
Sangkatutak daw kasi ang niloko ni Gina na financier sa casino kung kaya’t nagtatago ngayon ito. Ipinagkakalat pa ni Gina na ibibili raw siya uli ni RR ng condo para hindi na sila buwisitin ng mga niloko nya.

BoC Comm. Lito Alvarez, siguro naman mas maganda kung d’yan na magsimula sa tanggapan mo ang pag-imbestiga sa mga unexplained wealth nitong si RR. Mapapansin n’yo rin na halos gawing Divisoria na lang nito ang Estados Unidos!

Gaano ba kalaki ang suweldo ng isang kolektor? Tsk! Tsk! Tsk! Mukhang napakalaki ng “PARTE-KULAR” nitong si RR kaya maning-mani na lang sa kanya ang gumastos ng sobra sobra.

oOo

Kamakailan ay nag-guest sa ating radio program sa DZRH Powerpoint itong si Senior Citizens Party List Representative Godofredo Arquiza para ipaliwanag ang mga sumbong na bigla siyang yumaman simula nang maging Kongresista. Maayos naman ang paliwanag ni Tong, este, ni Kongresman pero ang malabo ay bakit kailangang magpatayo ng kalye sa Benguet si Arquiza?

Ilan ba ang senior citizen d’yan sa Benguet na makikinabang sa kalyeng ipinagawa n’ya?
Hindi ba’t mas maganda kung gusali na lang ang ipinatayo nito na para bang Home for the Aged?

Semento ho ba o ispalto ang ipinagawa mo? Gaano ba kahaba ang ipinagawa mong kalye?

Lahat po ng katanungang yan ay ipinarating natin ng personal kay Kongresman “ON THE AIR”.

Nagkabuhol-buhol ang dila ni Kongresman, at siyempre bumula rin ang bunganga dahil hindi n’ya masagot nang maayos ang mga tanong na hanggang ngayon ay nakabitin sa isipan ng ating mga ka-Bro na senior citizen.

P40 milyon daw ang ginastos ni Kongresman pagpapagawa ng kalye sa Benguet. Pero sinabi ni Arquiza na ang totoo ay P20M lang daw at hindi P40M ang kanyang ginastos mula sa kanyang pork barrel. Aba’y gago talaga! Kahit na P20M yan, malinaw naman na hindi mapapakinabangan ng mga senior citizen yan. Aminin n’yo na, Kong, nagkaroon ba ng “TANGGAPAN” diyan?

Oo nga pala, Kongresman, hindi po ba’t nakasanla at naremata na yang bahay n’yo bago pa kayo naging Kongresista? Paano n’yo ito natubos kaagad?

Mukhang meron ho kayong magandang pinagkakitaan ah?  Huwag naman sanang PDAF yan

oOo
Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply