Pabuya sa makapagtuturo sa killer ni Somera, P200K na

UMAKYAT na sa P200,000 ang pabuya sa makapagtuturo sa suspek na pumatay sa DZME anchor Maria Len Flores-Somera kung saan naglabas na rin ng artist’s sketch ang pulisya ng mga suspek.

Nagdagdag ng P50,000 ang Northern Police District (NPD) dagdag sa ibinigay na P50,000 ng National Press Club (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (Afima) at P100,000 naman ang kay Malabon Mayor Canuto Oreta.

Ayon kay NPD director, Chief Supt. Edgardo Ladao, bagama’t hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek sa pagpatay kay Somera ay malaki na rin ang maitutulong ng artist’s sketch upang mapadali ang paghuli sa mga taong may kinalaman sa pagpatay sa lady broadcaster.

Hiniling pa ni Ladao na kung sinuman ang makakikilala sa mga taong nabanggit ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang agad na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Somera.

Hanggang ngayon naman ay nakatututok pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa away sa lupa dahil sa mga tatamaang bahay sa proyekto ni Somera na road widening at multi-purpose hall sa kanilang lugar.

Magugunitang dakong 9:45 ng umaga, March 24, 2011 nang barilin si Somera habang naglalakad malapit sa kanilang bahay sa Silonian St., Maysilo ng lungsod nang patungo ito sa kanyang trabaho. Rene Manahan

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply