Pacers lalaro sa playoffs

GUSTONG palakasin ng Chicago Bulls na mahawakan ang top spot sa Eastern Conference, hangad naman ng Indiana Pacers na mapalakas ang pagkakapit sa no. eight spot sa nasabing conference.

Resulta – Mas naging agresibo ang Pacers kaya tinalo nila ang Bulls sa overtime, 115-108 at sinigurong hahakbang sila sa Playoffs.

Nawalan ng saysay ang ginawang pangangalabaw ni Bulls guard Derrick Rose na tumikada ng 42 puntos dahil sa pagkatalo, subalit mananatili pa rin silang nagsosolo sa top spot dahil natalo ang Boston Celtics sa Houston Rockets, (77-93).

Pinutol ng Pacers ang winning streak ng Bulls (eighth wins) upang itala ng una ang 30-39 win-loss card sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association, (NBA) regular season.

“I’ve seen a lot of teams that would have sort of come out in that overtime in a fog after that type of comeback by Chicago,” ani Indiana coach Frank Vogel. “Our guys didn’t do that. They kept their composure, their poise and handled their business in overtime.”

Si Tyler Hansbrough ang umunat ng malaking puntos para sa Pacers na may 29 pts., 12 rebounds at isang assist habang si Danny Granger ay nagbuslo ng 19 points, six boards at three assists.

Nahati ang fans sa pagitan ng Pacers at Bulls kung saan buong gabi silang naghihiyawan ng “Rose MVP!” na sinang-ayunan naman ni Granger.

“He carried them all season, he has my MVP vote,” patungkol ni Grangerhe kay Rose. “I think he’s probably the most dominant player we’ve played against this year.”

Samantala, lamang pa rin ng isang laro ang Bulls, (49-19) sa Boston, (48-19).

Sa ibang nba resulta, inihaw ng Miami Heat ang Atlanta Hawks, 106-85 habang patuloy ang pananalasa sa tuktok ng Western Conference ang San Antonio Spurs matapos nilang kaldagin ang Dallas Mavericks, 97-91. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply