Pacman bumoto ng “No” sa impeachment ni Merci

BUMOTO ng “NO” si Pound for Pound King at Saranggani Representative Emmanuel “Manny” Pacquiao sa impeachment ni Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ito ang lumabas sa twitter account ni Pacman kung saan umani ito ng maraming batikos sa mga tagasunod sa twitter nito.

“I vote NO! and I can give my explanation thanks.”, ayon sa kanyang twit.

Ang kanyang boto ay hindi pormal na naitala sa kongreso dahil hindi ito nakadalo na abala sa pag-eensayo sa Baguio.

Marami ang tumira sa boxing legend sa kanyang hindi pag-attend sa sesyon kagabi. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply