Pacman may phobia sa laban

HABANG papalapit  ang laban ni 8 division world champion Manny Pacman Pacquiao kontra kay 5-time world champion Shane “Sugar” Mosley ay lalong dumarami ang kritiko ng  sikat na Pinoy boxer dahil sa umano’y maling pagpili ng kalaban.

Ayon sa kanila, talagang pera lang at “sure win” ang gusto ni Pacman dahil pumili ng kalaban na halos “senior citizen” na o matanda na.

Dapat umano ang pinili niya ay iyong kalabang mapapalaban siya ng husto para lalo siyang hangaan bilang greatest fighter of all time.

Ayon kay Rex “Wakee” Salud, malapit na kaibigan ni Pacman, tiyak na mahihirapan ng husto ang 39-anyos na si Mosley at malabong makasabay sa bilis ni Pacman.

“Malaking puntos ang edad sa laban at siguradong ang edad ni Mosley ang magpapatalo rito,” ani Salud.

Matatandaang lubhang nasaktan si Pacman sa laban nito kay Antonio Margarito kaya naniniwala ang mga kritiko na nagkaroon ito ng “phobia” sa malalakas na kalaban kaya pinili nito ay boksingerong mahihina na at uugod-ugod na.

Sa press tour ng Pacquiao vs Mosley, sinasabi ni Pacman na delikadong kalaban si Mosley subalit kung makikita ang huling dalawang laban ng kano ay napakapangit ng  inilaro nito at bakas na ang katandaan dahil  halos hindi masyadong makasuntok.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply