Pacman tagahanga ng Azkals

“FAN din ako ng Azkals.” Ito ang walang patumanggang pag-amin ni 8-division world champion Manny Pacquiao na fans din siya ng Philippine national football team.

“Dati wala akong hilig manood ng football ngunit dahil sa panalo ng Azkals kontra Vietnam ay lagi ko ng pinapanood ang larong ito,” kwento ni Pacman.

“Noon Mexico ang pinapanood kong team pero ngayon Azkals na,” ani ng pound for pound king.

Tuwang tuwa naman ang Azkals matapos marinig ang pahayag ni Pacman.

“Malaking bagay ang pahayag ni Pacquiao na mahilig na rin ito sa football dahil tinitingala ito ng maraming Filipino at pag-iindorso na rin na maituturing ang sinabi nito na ‘fan’ na rin siya ng Azkals,” ayon kay Dan Palami, team manager ng Azkals.

Sa Japan na ipagpapatuloy ng Azkals ang kanilang ensayo bilang paghahanda sa nakatakdang laban kontra Mongolia sa second leg ng AFC Challenge Cup sa Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply