Pacman vs Mayweather ‘di tuloy sa Nobyembre

WALANG magaganap na bakbakan sa pagitan nina dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr at world eight-division champion Manny Pacquiao sa Nobyembre.

Ito ang tahasang sinabi Huwebes, Marso 3, ni Top Rank Promotions President Bob Arum, taliwas sa balitang inaayos na nila ang laban ng dalawa para sa Nobyembre.

Una rito, inihayag ng tiyuhin at trainer ni Floyd Jr. na si Jeff Mayweather na umuusad na ang negosasyon para sa laban nina Pacman at Mayweather at gagawin ito sa Nobyembre.

Kinumpirma naman ni Arum na nakausap na niya ang kampo ni Mayweather pero hindi Nobyembre ang pinag-usapan nilang araw para sa laban.

Samantala, nagpagupit na si Pacman ng buhok  upang pormal na simulan ang kanyang ensayo sa General Santos City bilang paghahanda sa May 7 fight nito kay Shane Mosley.

Inaasahan namang darating na si trainer Freddie Roach sa Baguio City kasama ang dalawang sparring partners ni Pacman para sa pag-usad ng kanilang high-altitude training.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply