Pacquiao hataw na sa ensayo

HUMATAW na Linggo, Marso 6, sa gym si eight-division champion Manny “Pacman” Pacquiao bilang paghahanda sa nalalapit nilang laban ni former world champion “Sugar” Shane Mosley.

Noong Huwebes, Marso 3, sinumulan ni Pacman ang stamina work sa isang gym sa General Santos City para painitin ang kanyang training.

Sa kabila na magsisimula pa sa March 12 ang mabibigat na ensayo ng boksingero sa Baguio City, sinabi ni Pacman na gusto niyang balikan ang basics.

“Basics muna ang ginagawa ko sa training,” ani Pacquiao.

Ayon kay Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, gusto lang siguraduhin ng boksingero na maganda na ang kanyang kondisyon bago simulan ang mabigat na ensayo.

“We’re not underestimating Mosley. He’s the most experienced fighter that Manny’s ever faced,” ani Koncz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply