Pacquiao inupakan ni 50 Cent

INUPAKAN ni American rapper/actor Curtis “50 cent” Jackson sa kanyang twitter account si 8-division champ at Rep. Manny Pacquiao.

Inaakusahan nito na gumagamit ng steriod ang Pambansang Kamao.

Si Jackson, kaibigang matalik ni Floyd Mayweather, Jr., ay ikinumpara pa si Pound for Pound King sa isang Hollywood star na kasalukuyang lulong sa alak at droga.

“If Charlie Sheen can take a test I know Manny punk ass could take a blood test,” banat ng rapper sa kanyang twitter account.

“There are 3 ways to beat Steroid Pacquiao. He has been knocked out twice and lost a decision . . . I stand behind my country, USA, all day,”

“If anybody that’s following me think that Steroid Pacquiao with 3 losses can beat our 41-0 American champ @FloydMayweather stop following me,” dagdag pa ni Jackson sa twitter na may tinatayang mahigit apat na milyong tagasubaybay.

Makailang-ulit nang hindi natuloy ang labanang Pacquiao vs. Mayweather dahil sa kondisyon ng huli ng magkaroon ng drug test bago ang laban.

Sa ikalawang pagkakataon ay pinagbigyan ito ni Pacman na magpadrug test 12 araw bago ang laban subalit iginiit na Mayweather na sa araw bago ang laban magpatest na inayawan naman na Pilipinong boksingero. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply