Pacquiao vs Mayweather sa Nobyembre?

ISINIWALAT kahapon ng Top Rank Promotions na malaki ang posibilidad na maganap ngayong taon ang pinanabikang salpukan sa pagitan nina pound-for-pound king Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Bukod sa Top Rank, isiniwalat din ni Jeff Mayweather, uncle ni Floyd Jr., na bukas ang kanyang pamangkin sa posibilidad na matutuloy ngayong taon ang laban nila ni Pacman.

Ipinahayag rin ni Jeff na magiging tune-up fight ni Floyd ang laban nito sa Hulyo na gagawin sa South Africa.

“I know that Floyd is talking to Nelson Mandela’s daughter Zindzi because they’re trying to put something together for his 93rd birthday,” pahayag pa ni Jeff na naging boxer din noong dekada ‘90.

Maari umanong matuloy ang laban nina Pacman at Floyd sa Nobyembre.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply