Epira Law aamyendahan ng Kongreso — Belmonte

REREPASUHIN na ng Kamara de Representantes ang Electrical Power Industry Reform Act of 2001 o mas kilala bilang Epira Law.

Ito ay itiniyak ni Speaker Feliciano “SB” Belmonte sa kanyang pagsasalita sa Wallace Business Forum Roundtable, na ginanap sa Marriott Hotel, Newport City Complex, Pasay City.

Upang maamyendahan ang Epira Law, kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng Congressional Power Commission na kung saan ang paglikha nito ay nakapaloob sa Republic Act 9136 na siyang lumikha sa Epira, ayon sa kongresista.

“We will review and assess, through the Joint Congressional Power Commission, the implementation of the EPIRA law in the areas of competition in the power sector, operation of the wholesale electricity spot market, the privatization of the National Power Corp. (Napocor), the stranded costs, and new generating capacities.”

Magugunitang nailkha ang Joint Congressional Power Commission upang matiyak ang implementasyon ng Epira law, magkaroon ng transparency, at manduhan ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pagsasagawa ng public bidding procedures na siyang kailangan para sa pribatisasyon ng Napocor.

Ang komisyon, ayon kay Belmonte, ang siyang nagsasagawa ng monitoring at nagsusuri sa gampanin ng industry participants. Ang buhay o panahon ng komisyon ay magwawakas sa June 26, 2011.

Ito ay kinabibilangan ng chairpersons ng Senate at House committees on energy at 14 na miyembro ng dalawang Kamara ng Kongreso.

Katuwang nina Fuentebella at Apostol sa pag-aakda ng resolusyon sina Reps. Henedina Razon-Abad (Lone District, Batanes), Eleandro Madrona (Lone District, Romblon) at Joseph Emilio A. Abaya (1st District, Cavite).

Sina Deputy Speaker Arnulfo Fuentebella ng Camarines Sur at Leyte Rep. Sergio Apostol ang pangunahing may-akda ng resolusyon sa paniniwalang sampung taon pa ang dapat na itagal ng komisyon.

“The commission needed another ten years to ensure the implementation of the privatization of the remaining 8.2 percent of the Napocor generation assets and 31.2% of IPP contracts,” paliwanag ni Fuentebella.

Banggit naman ni Apostol na gampanin din ng komisyon ang pagsusuri at pagsisiyasat ng implementasyon ng Republic Act 9513 o Renewable Energy Act of 2008. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply