Kulong kay Ligot aral sa mga sinungaling

IGINIIT ni Senate President Juan Ponce Enrile na magsisilbing leksyon sa sinumang mangangahas na mambabastos at magsisinungaling sa Senado ang nangyari kay retired Gen. Jacinto Ligot na nakakulong ngayon at sa asawa nitong si Erlinda na binigyan muna ng humanitarian consideration.

Ang pagsisinungaling ng mag-asawa na may sakit sila kaya hindi nakasipot sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ang nagtulak sa Senado para ipadala ang Senate doctor sa mismong tahanan ng mag-asawa para personal na sumuri sa kanilang kalusugan.

Nang mapatunayang nagsinungaling ang dalawa ay tuluyan silang kinasuhan ng contempt.

Dagdag pa ng pangulo ng Senado na matutulad umano rito ang iba pang mambabastos sa Senado kapag mangahas na gawin ang katulad na sitwasyon sa mataas na kapulungan.

Sa susunod na pagdinig ay pipilitin pa rin ang mag-asawa na pasagutin ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa kanyang mga katanungan na hindi naman aniya malalagay sa panganib at walang kaugnayan sa kaso sa Sandiganbayan ng mag-asawa. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply