Pag-atake ng daga sa Region 12 kontrolado na

KONTROLADO na ang pag-atake ng mga daga sa mga pananim sa Region 12.

Ayon kay Amalia Datukan, executive director ng Department of Agriculture, Regional Field Office XII (DA-RFO XII) wala ng dapat na ikabahala ang mga magsasaka sa rehiyon matapos na mapigilan ang sitwasyon na lumala pa.

Sinabi ni Datukan na patuloy ang kanilang ibinibigay na suporta sa mga apektadong magsasaka lalo na sa North at South Cotabato.

Nauna rito, isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Lake Sebu at Surallah sa South Cotabato dahil lahat ng mga barangay doon ang apektado ng peste.

Umabot naman sa mahigit 4,000 ektarya ng pananim na mais, palay, niyog at palm oil ang sinira ng daga sa North Cotabato.

Samantala, namahagi naman ang ahensiya ng 435 kilograms ng zinc phosphide sa mga magsasaka.   Robert Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply