Pag-impeach kay Gutierrez pinanindigan ng Senado

PINANINDIGAN Lunes, Marso 14, ni Senador Teofisto Guingona, III ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na dapat ma-impeach si Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil sa pagtataksil umano nito sa taumbayan kaugnay ng kaso laban kay dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Ito ang naging reaksyon ng senador sa naging mungkahi ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi  dapat isinama sa committee report ang isinusulong na impeachment laban kay Gutierrez lalo’t ang mga senador ang tatayong hukom sa oras na makarating sa Senado ang articles of impeachment.

Giit ni Guingona, malaki ang pagkukulang ni Gutierrez sa kampanya ng pamahalaan para puksain ng kurapsyon.

“I have the highest respect for the Senate President and his wisdom. However, I also believe in the wisdom of the recommendation of the Blue Ribbon Committee. The Ombudsman represents the single biggest stumbling block in our quest for truth and in our crusade to recover hundreds of millions of pesos in people’s money that may be lost due to the negligence and lack of prosecutorial will on her part,” ani Guingona.

Binigyang-diin ng senador na dahil sa kapabayaan ni Gutierrez na gampanan ang kanyang tungkulin bilang Ombudsman, dapat na nitong lisanin ang kanyang tanggapan.

Matatandaang hiniling ni Enrile kay Guingona na huwag isali sa report ng kanyang komite ang isyu ni Gutierrez sa isyu ng korapsyon sa Armed Forces of the Philippines. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply