Pagalingan sa korapsyon ng PNPAer at PMAer

MAGANDANG naimbitahan si Pangulong Noynoy Aquino sa graduation rite ng Philippine Military Academy kamakalawa.

Doon naibulalas ni PNoy ang kanyang hinanakit sa ilang matatandang graduate ng PMA na nasasangkot sa katakot-takot na katiwalian.

Ipinunto ni PNoy na sira halimbawa ang salitang Integrity na itinuturo sa PMA dahil sa kagagawan ng ilang may sakit na kalimot at bugok na itlog sa basket ng mga heneral na galing sa akademya.

Ang mga pinagkatiwalaan ng salaping militar at salaping bayan ay hindi lang naging katiwaldas kundi naging bantay salakay.

oOo

Kaugnay ng pagdalo-dalo ng graduation rites ni PNoy, kailan naman kaya siya dadalo sa ganitong okasyon sa Philippine National Police Academy?

Nagtatanong tayo, mga Bro, dahil may mga prinsipyo rin diyan na pinag-aaralan.

Mayroon din bang diin sa integrity?

Kung meron, tiyak namang magpuputak din si PNoy.

Alalahanin, hindi pa tapos ang kaso ng Euro generals na nasangkot naman sa bungkos-bungkos na salapi na baon umano nila para sa isang miting sa Moscow, Russia ilang taon na ang nakararaan.

Pero marami pang kaso ang nananahimik na maaaring kumahol sa mga darating na araw.

Sabi kasi nina PNoy, next nang usapin ito pagkatapos ng mga imbestigasyon sa militar.

Tanong nga pala: meron din bang PMAer sa mga Euro general?

Kung meron, nakupo!

oOo

Mayroon lang tayong naririnig ukol sa mga PMAer at PNPAer.

Sa usaping korapsyon, kaninong graduate ang mas malakas na gumawa nito?

May mga bulong, mga Bro, na mas malakas gumawa ng milagro ang mga graduate ng @#$%^&.

Walang prinsi-prinsipyo at walang doktri-doktrina na maganda raw pagdating ng isang bag o isang trak ng salapi.

Hindi tayo makapaniwala na mas masahol pa kay Hudas ang ilang graduate mula sa mga kinikilalang schools ng militar at pulisya.

Pero nangyayari.

Kailan kaya matatapos ang lahat ng korapsyon at pandarambong ng bosing ng militar at pulis?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply