Pagbago sa negatibong image ng PNP malaking hamon

MAITUTURING na malaking hamon kung paano babaguhin ang negatibong imahe ng Philippine National Police at ang hindi magandang public opinion na inaani ng mga kagawad ng PNP.

Ito ang mensaheng binitawan ni P/Inspector Aleli Buaquen, 22, sa kanyang valedictory speech sa ginanap na 32nd Commencement Exercises sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Castaeda, Cavite.

“At some point, some people have lost hope and considered change as unattainable… Regaining public confidence is the greatest challenge to take,” ani Buaquen na siyang nanguna sa may 260 nagsipagtapos.

Sa nasabing valedictory message ay tinuligsa ni Buaquen ang ilang kasapi ng organisasyon na madalas na nalalagay sa mga balita hindi dahil sa magandang ginawa kung hindi sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Kamakailan lamang ay isang buong police station sa lungsod ng Maynila ang nayanig nang akusahan ang ilang senior officer na sangkot sa pagnanakaw sa na-recover na P15-million ransom money na ibinayad ng isang kinidnap na Malaysian national.

Ngayon Linggo ay inaasahang isasalang sa polygraph test sa PNP Headquarters sa Camp Crame ang limang pangunahing suspek na pawang kasapi ng Manila Police District Station 5 na inerekomendang hindi makapaglagak ng piyansa.

Ito ay kasunod ng mga kumakalat na alegasyon sa Manila’s Finest na ilang senior officer nila ang nagparte-parte na umano sa P10.6 million na nawawalang bahagi ng ransom.

Ayon pa kay Buaque, ang pagpasok sa police service ay pagbabayad sa taumbayan dahil ang kanilang buwis na ibinayad ang siyang ginugol sa kanilang pagaaral sa loob ng PNPA. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply