Pagbili ng PLDT sa Digitel ipinasisilip

IPINASISILIP ni Quezon City Rep. Winnie Castelo sa Kamara de Representantes ang pagbili ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) sa Digitel.

Aniya ito ay kwestyunable. Sinabi ni Castelo, hindi niya tinututulan ang pagbili ng PLDT sa Digitel sa halagang P69.2 bilyon ngunit kung ang layunin nito ay patayin ang kompetisyon  sa larangan ng komunikasyon ay dapat aniyang maimbestigahan ito.

“I do not, in principle, object to PLDT’s business expansion knowing the reputation and standards set by its leadership in the corporate world.  However, if this purchase is tantamount to kill competition to the detriment of the whole telecom industry and the consuming public, then I may have some reservations.”

Dahil sa pagbili ng PLDT sa Digitel, malaking bahagi ng industriya ng telecom ang monopolyado ng PLDT, ayon sa mga nalyst.

Ani Castelo, dapat linawin kung malalagay sa panganib ang ekonomiya ng bansa sa transaksyong ito ng dalawang kompanya at kung magsisilbi ba itong banta sa telecom business.

“If fears or apprehensions would require some serious thoughts on these developments, then I might be inclined to commission a congressional study to assess the effects or impacts of PLDT’s new dominant role in the telecom business as a result of this buy out of Digitel which in itself is a major player,” paliwanag ni Castelo.

Ipinaliwanag pa ng kongresista, na miyembro ng House committee on information and communications technology na kailangang maging patas ang playing field sa bansa upang makahiyakat ito ng mas maraming negosyo na makalilikha ng maraming trabaho para sa mamamayan.

Dapat din aniyang maging alerto ang gobyerno laban sa posibilidad ng “empire building” sa lahat ng negosyo sa bansa dahil magtutulak ito ng monopoly at maglalaho ang kompetisyon. Meliza Maluntag

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply