Pagbitay sa 3 OFWs sa China tuloy na

TULOY na ang pagbitay sa tatlong Pinoy na nahatulan sa kasong drug trafficking sa China.

Nabatid na ipinaliwanag ng gobyerno ng nasabing bansa  na pinal na ang kanilang hatol kina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain.

Hindi na rin umano maaaring pagbigyan ang hiling ng pamahalaan ng Pilipinas na maibaba sa habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa tatlo.

Ang nasabing desisyon ay pinandigan ng China para matigil na umano ang paggamit sa mga OFW sa ilegal na gawain.

Nauna nang naipagpaliban ang pagbitay sa tatlong Pinoy nang makipagdayologo si Bise Presidente Jejomar Binay sa Tsina para hilinging ibaba ang hatol sa tatlo.  Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply