Pagbitay sa 3 Pinoy sa China, wake up call kay PNoy

ISANG wake-up call kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ang napipintong pagbitay sa tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na convicted sa kasong drug trafficking sa China.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan, dapat nang kumilos ang Aquino government na palakasin ang local job creation at huwag nang ituloy ang labor export policy.

Aniya, pinagsasamantalahan ng mga drug syndicates ang mga Pinoy na kanilang nire-recruit upang maging drug mules o drug carriers.

Ngayong nagdesisyon na ang Chinese government na bibitayin na sina Sally Ordinario-Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo sa China sa March 30 dahil sa kasong drug smuggling at drug trafficking noong 2009, nakalulungkot umanong isiping baka may sumunod na naman sa kanila.

Ang Pilipinas aniya ang may pinakamataas na unemployment rate sa buong Southeast Asia sa 7.4%, kaya hindi mo sila masisisi kung kumapit man sila sa patalim.

Ani Ilagan, 37% ng mga kababaihang Filipino ay walang trabaho samantalang 7.1 million naman ang underemployed.

Ayon pa sa lady solon, inireport ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tumataas ang bilang ng mga kaso ng drug smuggling na kinasasangkutan ng kababaihang Filipino mula pa noong 2007.

Sa 689 drug courier incidents na naitala sa buong mundo, 431 dito ang mga Pinay na ginamit na drug mules o drug couriers.

Napipilitan umano silang sumabak sa illegal drug trade dahil ito na lamang ang paraan upang makaahon sila sa kahirapan.

Panahon na umano para magdesisyon si Aquino na gumawa ng mga local job opportunities bago pa mas maraming buhay ang mawala. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply