Bataan Nuclear Power Plant ipinabubuwag

IPINABUBUWAG ng grupo ng anti-nuke protesters kay Pangulong Benigno “Nonoy” Aquino III ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP)  sa Morong, Bataan.

“The nuclear reactor meltdown in Japan is a strong and categorical statement against nuclear plants. Mother Nature has spoken and we must listen,” sigaw ng mga nagpo-protesta.

Ang pagtunaw ng isang nuclear plant sa Fukushima, Japan pagkatapos ng magnitude 9.0 earthquake noong Marso 11 ang nagtulak sa protesters na magwasiwas ng slogans na nagsasabing  “Chernobyl noon, Fukushima ngayon. Hindi pa ba malinaw ang aral? Lansagin ang BNPP.”

Ang Chernobyl disaster ay nuclear accident na naganap noong  Abril 1986 sa Chernobyl Nuclear Power Plant sa Ukraine.

Ang naturang  insidente ay ikinokonsiderang pinakamalalang nuclear power plant accident sa kasaysayan ng tao.

May suot na masks of death, nagmartsa patungo sa gate ng BNNP na may mahigpit na seguridad ang protesters at ipinanawagan ang paglalansag ng power plant.

Humilata ang lahat ng prOtesters na mula sa Nuclear Bataan MovemeNt Network at ng Kilusan para sa Pambansang DemOkrasya sa labas ng BNPP main gate at maya-maya ay sinunog ang replica ng naturang power plant.

Ani ni Fr. Fernando Loreto, Morong parish priest, ang mga pari sa  Diocese of Bataan, na pinangungunahan ni Bishop Ruperto Santos, ay laban sa operasyon ng nuclear power plant SA Bataan kahit saan man sa panig ng bansa.

Sinabi pa ni Loreto na ang posisyon nila sa paglalansag ng BNPP ay non-negotiable.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply