Pagdami ng cell site ipinabubusisi

IPINABUBUSISI ni Atty. Joel  Chua, konsehal ng ikatlong distrito ng Maynila ang pagdami ng cellsite sa lungsod na walang kaukulang  permit mula sa konseho.

Sa kanyang isinumiteng resolution sa City Council, nais ni Chua na bumuo ng Ad Hoc Committee na magsisiyasat sa pagdami ng mga cell site sa lungsod at kung mayroon itong sapat na  permit mula sa  city hall.

Ayon kay Chua, nakasaad sa Section 52(c) (1), Article VIII ng Ordnance No. 8119 o mas kilala bilang “Tha Manila Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance of 2006” na kailangang mayroong permit ang mga itatayong radio transmitting stations o telecommunications towers  sa mga lugar ng Maynila.

Tila “kabuteng” nagsulputan ang cell sites sa iba’t ibang panig ng lungsod ngunit may mga nabatid na walang special use permit na nakasaad sa City Ordnance ng City  Council.

Ipinaliwanag din ng Chua na dapat umanong magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation ang konseho upang malaman kung bakit nakapag-o-operate ang mga nasabing business establishment nang hindi sumusunod sa probisyon.

Ang Ad Hoc Committee ay binubuo nina  Councilor Ric Ibay, chairman; Councilor Ernesto Isip, Jr., Vice Chairman; Councilors  Joel  Chua, Honey Lacuna-Pangan,  Marlon Lacson, Casimiro Sison at Jocelyn Dawis-Asuncion bilang mga members. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply