Pagdinig sa kaso ni Dr. Gerry Ortega bukas na sa publiko

BINUKSAN na sa media ang preliminary investigation sa kasong pagpatay sa brodkaster sa Palawan na si Dr. Gerry Ortega.

Sa ikatlong pagkakataon, bigong makasipot si dating Palawan Gov. Joel Reyes na inaakusahang utak sa pagpatay.

Tanging ang abogado lamang ni Reyes na si Atty. Ferdinand Topacio ang dumalo para muling igiiit ang kanilang kahilingan na mapalawig ang panahon na ibinigay sa kanila para makapagsumite ng kontra salaysay.

Sinabi ni Topacio na hinihiling nila na mabigyan ng kopya ng iba pang dokumento na may kinalaman sa krimen gaya ng ballistic report na pagbabatayan nila sa isusumiteng counter affidavit.

Dumalo naman sa pagdinig si dating Marinduque Gov. Bong Carrion at nagsumite ng counter affidavit.

Mariing itinanggi ni Carrion na may kinalaman siya sa krimen dahil wala naman siyang personal investment sa Palawan at sa katunayan ay advocate din siya ng anti-mining dahil pinangunahan niya ang pagpapasara ng Marcopper mining company sa kanilang lugar.

Kinumpirma naman ni Carrion na naging security escort niya noon ang isa sa mga umaming suspek na si Rodolfo Edrad a.k.a. Bumar pero tinerminate na niya ito noon pang June 30, 2010 at wala na silang naging ugnayan mula noon. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply