Pagdinig sa Ortega killing isapubliko — de Lima

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila de Lima na gawing bukas sa media ang preliminary investigation sa reklamong pagpatay sa brodkaster sa Palawan na si Dr. Gerry Ortega.

Ayon kay de Lima, sa pamamagitan ng kanyang Chief of Staff ay inatasan niya ang panel of prosecutors na may hawak sa reklamo na payagan ang media coverage sa pagdinig.

Una rito, sinabi ni de Lima na pagpapaliwanagin niya ang panel of prosecutors kung bakit ginawang executive session ang pagdinig kahapon.

Pormal ding hiniling ng kampo ng complainants sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Harry Roque, kasama ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), na payagang makapag-cover ang media, lalo pa at isang mamamahayag ang biktima sa nasabing krimen.

Matatandaang ikinatwiran ni Senior Asst State Prosecutor Edwin Dayog, namumuno ng panel of prosecutor, na wala siyang planong gawing bukas sa media ang preliminary investigation para hindi umano maimpluwensyahan ang ginagawang pagdinig. Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply