Pagkondena sa pag-atake ng US sa Libya ipinanawagan sa Kamara

PITONG kongresista ang nagsulong ng isang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na kondenahin ang inilunsad na giyera ng Estados Unidos laban sa Libya.

Pangunahing inakda ni Kabataan Party-List Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino ang House Resolution No. 1142 kung saan naging co-author sina Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares (Bayan Muna), Luz Ilagan at Emmi de Jesus (Gabriela), Rafael Mariano (Anakpawis) at Antonio Tinio (ACT Teachers).

“What’s happening in Libya has the making of another Iraq. We should condemn such act and demand US and its allies to respect the sovereignty of the Libyan people. We urge our fellow lawmakers and President Aquino to decisively do the same,” panawagan ni Palatino.

Sa nagdaang mga araw ay nagpapatuloy ang kaguluhan sa Libya dahil sa pag-aalsa ng mamamayan na mapatalsik sa puwesto si Libyan President Moammar Gadhafi.

Naniniwala ang progressive bloc sa Kamara na may interes ang US sa Libya dahil pangunahin itong pinagkukunan ng langis at sa katunayan ay may 46.5 bilyong bariles ito ng reserbang langis. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply