Paglantad ni Lacson pinabibilis

INAAYOS na ng mga abogado ni Senator Panfilo Lacson ang mga kaukulang dokumento para mapabilis ang kanyang paglantad sa publiko.

Ito ay matapos alisin ang pangalan ng nagtatagong senador sa wanted list ng International Police (Interpol) makaraang ibasura ng Court of Appeals (CA) ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng Dacer-Corbito Double murder case.

Ayon sa abogado ni Lacson na si  Atty. Alex Avisado, naghihintay na lamang ang kanilang kampo ng abiso mula sa counterpart ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Center for Transnational Crimes (PCTC) hinggil sa pagkakatanggal ng pangalan ng senador sa listahan ng red notice ng Interpol sa ibang bansa.

Sinabi rin ni Avisado na sa kasalukuyan ay wala pa rin silang komunikasyon kay Lacson at aniya ay hindi rin nila alam kung nasaan ito.

Nilinaw din ni Avisado na mismong ang kaso ng senador ang ibinasura ng CA at hindi lang ang kanyang arrest warrant. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply