Pagpapadala ng rescue team sa Japan kinontra

KINONTRA ni Senate Majority Leader Vicente Sotto ang plano ng gobyerno na magpadala ng rescue team sa Japan bilang bilang pagpapakita ng pakikiramay sa kanila matapos tamaan ng trahedya.

Ayon sa senador, hindi kailangan ng Japan ang tulong ng mga Pinoy dahil lilitaw na pumapapel lamang ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Sotto na sa halip na pagpapadala ng rescue team ang inaatupag ng pamahalaan, mainam umanong unahing asikasuhin ang mga Pinoy na naiipit doon.

Samantala, sinabi naman ni Senador Gregorio Honasan na mas maganda kung magpapadala ng mga rescue team sa Japan, pero kailangang tiyaking self sufficient ang grupong pupunta roon.

Ayon sa senador, bukod umano sa malamig na panahon, kapos sa pagkain, gasolina at ibang pangangailangan ang mga lugar sa Japan na tinamaan ng sakuna.

Pabor naman si Senador Francis Escudero sa plano ng pamahalaan na magpadala ng rescue team sa Japan, kahit pa walang go-signal sa pagsasabing mas mahalaga na nag-alok at handang tumulong ang Pilipinas. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply