Pagpapaliban sa ARMM polls pinaboran

MAYORYA ng mga lider sa ARMM ang pabor na maipagpaliban ang eleksyon sa Agosto.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na nagkaroon na ng konsultasyon sa mga lider ng ARMM at mayorya sa mga ito ay pumayag na ipagpaliban ang eleksyon sa kanilang lugar.

Sa katunayan, aniya, nagsagawa na ng small group consultations si Mindanao Development Authority  chair Secretary Luwalhati Antonino para sa usaping ito.

Pinabulaanan naman nito ang ulat na may isang Muslim leader na sumalungat sa naging pahayag ng Malakanyang na nagkaisa ang mga lider ng ARMM na ipagpaliban nga ang halalan doon.

Pinalagan din ni Usec. Valte ang alegasyon na nag-e-experiment ang Malakanyang sa kung ano ang magiging reaksyon ng Muslim community sa usaping ito.

“Hindi naman po. Hindi naman po tamang sabihin na it’s an experiment on the Muslim community dahil hindi naman po ‘yon ang ating pinupunto at marami naman pong leaders natin sa ARMM na sumusuporta sa panukalang ‘yon,” pahayag ni Usec. Valte.

Sa kabilang dako, hindi totoo na ipinagpaliban ng Malakanyang ang ARMM elections para i-please ang MILF lalo pa’t umuusad na ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at MILF peace panel.

Wala namang ideya si Usec. Valte kung kailan makikipagpulong ang Pangulong Aquino sa Muslim solons para sa isyung ito. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply