Pagpapasabog sa WWII bombs pinangunahan ni PNOy

CAPAS, TARLAC – Personal na pinamunuan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ang pagpasabog ng libu-libong nalipasan ng panahon na Explosives Remnants of War (ERW) kaninang umaga sa Crow Valley Gunnery Range, na kilala ngayon bilang Tarlac Military Testing Ground sa loob ng Camp O’Donnell sa naturang lalawigan.

Ang pagdalo ng Commander-in-Chief ay ang kulminasyon o pagtatapos sa isang buwan na pag-pasabog sa mga bomba na ibinigay sa Pilipinas ng Estados Unidos noong panahon ng World War II.

Mismong si Pangulong Aquino ang pumindot sa button ng isang remote control box upang ma-dispatsa ang WWII vintage bombs, na sa nakalipas na panahon ay wala ng saysay pa upang patuloy na itago ang mga lumang bomba sa naturang kampo.

Kasama sa mga pinasabog ng Pangulo ay ang huling batch ng dalawang pallet ng 287-pound na Mk-6 at dalawang pallet ng 10-pound Mk-9.

Ayon sa Pangulo, nais niyang makatiyak na ligtas ang mga residente na nakatira sa mga komunidad na malapit sa kampo kung kaya’t personal niyang inobserbahan ang naturang proseso.

Ito rin ang tumugon sa kagustuhan ng Chief Executive na tuluyang mai-dispose na ang 400,000 pounds na vintage bombs.

“I’d like to commend the Armed Forces and all the persons who are involved in this. The target date for completion was March 26. They managed to complete it on March 5 or three weeks ahead of schedule. It was quite impressive,” anang Pangulo matapos ang seremonya.

Magkatuwang ang mga eksperto mula sa Explosives and Ordnance Disposal (EOD) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Naval Special Operations sa ginawang pagpasabog sa ilang libong lumang bomba.

Ayon naman sa Naval Public Affairs Office (NPAO) na kung sakali na hindi sinasadyang sumabog ang mga naturang bomba doon sa Caballo Island sa dulo ng lalawigan ng Bataan ay posibleng magkaroon ng anila’y “destructive blast lethal to humans within a 32-kilometer radius.”

Dagdag pa rito ang mapanirang epekto na maglalagay sa panganib sa mga kalapit na komunidad at maging sa mga naglalayag na barko na bumabaybay mula sa Look ng Maynila at mararamdaman din ang yanig nito hanggang Sangley Point, Philippine Navy Headquarters at maging sa Embahada ng Estados Unidos sa bansa.

Ito ang dahilan kung kaya’t nagdesisyon ang pamahalaan na ilipat ito mula sa Caballo Island patungong Subic at tuluyang itago bago pasabugin sa Crow Valley Range complex.

Kinumpirma rin ni Aquino na ang pag-dispose ng mga vintage bombs ay kanilang tinalakay at napagka-sunduan ni US President Barack Obama sa kanilang pulong noong Nobyembre ng nakalipas na taon sa Yokohama, Japan. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply