Pagpapatibay sa anti-money laundering law lumusot sa Kongreso

LUMUSOT na sa Kamara de Representantes ang panukalang magpapatibay sa anti-money laundering law.

Pangunahing layunin ng House Bill 4275 na palakasin ang batas hinggil sa anti-money laundering sang-ayon sa pamantayan ng international anti-money laundering at counter-terrorist financing.

Nakapaloob sa HB 4275 na itinuturing na  terorismo ang pagpopondo sa mga terorista at mga gawain nito, human trafficking, sexual exploitation ng bata, katiwalian, panunuhol, panghuhuwad at pamemeke, at mga krimen laban sa kapaligiran o environmental crime.

Maaamiyendahan din ng HB 4275 ang Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Act of 2000 na inihain sa Kamara nina Reps. Rufus Rodriguez ( Cagayan De Oro City), Maximo Rodriguez, Jr. (Party-list, Abante Mindanao), Roilo Golez (Parañaque City) at Sergio Apostol(Leyte).

Idinagdag din sa panukalang ito ang bagong kahulugan ng money laundering na ang ibig sabihin ay conversion, transfer, disposition, movement, acquisition, possession, use, concealment o disguise, na ginagamit at gagamitin sa pagtugis sa mga iligal na gawain na may kinalaman sa batas ng anti-money laundering.

Ibinabalik din sa panukala ang dati nang nakasaad sa batas ng anti-money laudering na pagbibigay ng pabuya at insentibo na inalis noon sa pamamagitan ng Republic Act 9194 na nag-aamyenda sa naunang RA 9160. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply