Pagpasok ng Phoenix Fuel sa PBA, bitin pa

NALAGAY ng bingit na alanganin ang balak na pagsali ng Phoenix Fuel sa Philippie Basketball League dahil sa kalagayan ng bentahan sa pagitan ng Barako Bull franhise at Phoenix Fuel.

Nakarating kay PBA Commissioner Chito Salud ang notisya ng San Miguel kaugnay sa pagpapalit ng pangalan ng kupunan mula sa San Miguel para magamit ang Petron Blaze na kung saan may 68 porsyentong sosyo ang San Miguel Corporation.

May 18 percent direct shares at mahigit sa 50 percent na sosyo ang San Miguel sa offshore refinery na sapat na sa humigit-kumulang na 33 percent na kinakailangan para makatugon sa itinatakda ng bylaws ng PBA.

Bagama’t hindi nagbigay ng direktang pahayag si Salud patungkol sa isyu ng bentahan ng Barako at Phoenix, nilinaw niya na isasailalim ang desisyon sa gaganaping PBA Board of Directors meeting na gaganapin sa Biyernes. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply