Pagpatay sa lady broadcaster malulutas na

KUMPIYANSA si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III na agad na masosolusyunan ng kasong pagpatay kay Len Sumera, brodkaster ng DZME sa Malabon City.

Aniya, base sa nakalap na  report ng NCRPO ay malinaw na tukoy na ng mga ito ang suspek dahil na rin sa maayos na pakikipag-ugnayan ng mga testigo sa mga awtoridad.

Naniniwala ang Chief Executive na hindi magtatagal ay mabibigyan na rin ng katarungan ang biktima.

Sa impormasyong nakarating sa Pangulo, lumalabas na walang kinalaman sa pagiging mamamahayag ni Sumera ang krimen.

Maaari aniyang  may kinalaman ito sa squatting syndicate na nakabangga ng biktima.

Nauna rito, iniulat naman ng PNP sa Malakanyang ang update sa tatlong media killings na naitala kamakailan.

Dahil dito, maituturing na solved na umano ang pagpatay kina Gerry Ortega, Jose Daguio at Miguel Belen matapos maaresto ang mga suspek at maisampa sa korte ang kaso.

“Given that, given also the cooperation of witnesses, I am confident that we will be able to bring this perpetrator to justice,” ayon kay Aquino. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply