Pagsasaayos ng Rizal Park pinuri ng foreign diplomats

PINURI ng iba’t ibang embahada ng bansa ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) sa muling pagsasaayos ng Rizal Park sa Maynila upang muling maibalik ang dating glorya at ganda nito.

Sa magkasunod na pagbisita nina Austria Ambassador Wihelm Donko at Czech Republic Ambassador Josef  Rychtar sa tanggapan ng NPDC, nagpahayag ang dalawa ng kagalakan sa nakitang malaking pagbabago ng Luneta Park.

Ito ay matapos malibot nila ang pinakamalaking open park sa Asya at nakita ang pagbabago nito partikular na ang pamosong musical dancing fountain hindi kalayuan sa bantayog ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon kay NPDC Executive Director Juliet Villegas, ang pagbisita umano ng mga nabanggit na foreign diplomat ay malaking tulong sa imahe ng parke upang maengganyo ang iba’t ibang lahi na bumisita sa bansa partikular na sa Rizal Park.

Natuwa naman si Villegas dahil nagpapakita ng interes sina Wihelm at Rychtar na maging kaagapay at bahagi ng pagpapaayos at pagpapaganda ng area kung saan nakalagay ang bantayog ni Ferdinand Blumentritt, ang sinasabing matalik na kaibigan ni Rizal at guru nito sa kanyang pakikipaglaban ng kalayaan laban mga Kastila.

“Our initiative to bring back the old glory or Rizal Park is now seen not only by local folks, but by people from other countries as well. Our visitors from Austria and Czech Republic are very much interested and are considering the possibilities of forming a partnership to help develop Ferdinand Blumentritt’s monument.”

Samantala, nakatakda ring bumisita sa Luneta Park sa darating na Biyernes, Marso 4 si Finland Ambassador Heikki Hannikainen na susundan pa ng ilang ambassadors buhat sa  Spain, Germany, at China. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply