Pagsumite ng Merci report sa Malakanyang inalmahan

UMALMA ang ilang senador sa ginawang pagpapadala ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Teofisto “TG” Guingona III kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng partial report hinggil sa inimbestigahang katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang plea bargaining agreement ni dating military comptroller Carlos Garcia.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, “uncommon practice” ang pagbibigay ni Guingona ng partial committee report sa Malakanyang.

Gayundin, ani Sotto, balewala pa rin ang isinumiteng kopya ni Guingona sa Pangulo dahil wala pang pormal na pag-apruba nito sa plenaryo ng Senado.

Maging si Sen. Juan Miguel Zubiri ay hindi nagustuhan at sinabing mali ang pagsusumite ni Guingona ng report sa Pangulo dahil binale-wala nito ang separation of powers ng dalawang executive at legislative branches. Vicky Cervales

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply