Pagtalakay sa impeachment sinimulan na sa plenaryo

GAYA ng inaasahan, nagtalu-talo muna ang mga kongresista bago nasimulan ang sponsorship speech sa House Committee Report 778 o article of impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Bagama’t kinuwestyon nina House Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay at Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino ang kawalan nila ng kopya ng committee report ay nanaig pa rin ang mosyon ni Majority Leader Neptali Gonzales na simulan na ang plenary sponsorship.

Sa pamamagitan ng pagsigaw ng “Ayes (Yes) and Nays (No)” tuloy rin ang speech ni Iloilo Rep. Neil Tupas, chairman ng Committee on Justice.

Hinamon ni Tupas ang kaniyang mga kasamahang mambabatas na huwag talikuran ang hamon na i-impeach si Gutierrez dahil sa “betrayal of public trust.”

Walang kumuwestiyon sa korum dahil bago ang plenary speech ay 212 ang tumugon sa roll call.

Sumunod na nag-sponsor sa committee report 778 ay si House Minority Leader at Samar Rep. Raul Daza.

Kasunod ni Daza sina Akbayan Rep. Arlene Bag-ao at House Senior Majority Leader Rodolfo Fariñas bago ang tuwirang botohan na ang kailangan ay 95 na boto ng mga kongresista. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply