Pagtatag ng veterans office sa PH embassy sa US aprubado na

PASADO na sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong na magtayo ng Filipino veterans Affairs sa embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Sa ganitong paraan, ayon kina Cagayan de Oro Rep. Rufus B. Rodriguez at Abante Mindanao Partylist Rep. Maximo B. Rodriguez, ay mabibigyan ng sapat na atensyon ang mga Pilipinong beterano na mapakinabangan ang kanilang benepisyo at prebilehiyo.

“The proposed Office of Veterans Affairs in the Philippine Embassy in the United States shall represent, negotiate and lobby for the rights
of the Filipino veterans with the appropriate US offices,” sinabi ni Rodriguez.

Ang tanggapan ay maipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at ito rin ang hihirang ng dapat mamuno sa Veterans office.

Sa ilalim ng panukala ukol sa Veterans Affairs Office sa Philippine Embassy sa United States ay imimintina sa loob ng limang taon o hanggang sa makuha ng mga Pilipinong beterano ang kanilang claims sa US government.

“There are about 249,987 pensioners as of June 2007. Some 183,274 are receiving their old age pension and 16,995 have already received their disability pension.”

Sinabi pa ng nakatatandang Rodriguez na may 158,022 ang beteranong tumatanggap na ng benepisyo na dumadaan sa bangko samantalang marami pa aniya ang patuloy na umaasang makukuha din ang kanilang mga benepisyo.

“Despite the veterans’ receiving compensation for their service to the country, they have yet to collect their full benefits and privileges from  the American government with whom they fought and served to obtain independence and peace,” ayon pa kay Rodriguez. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply