Pagtitipid, pero …

EARTH Hour na naman.

Isang oras na pagpatay ng mga kuryente para makatipid. Hindi dapat minsan isang taon lang ang Earth Hour, dapat ay ilagay na natin sa sistema natin ang patitipid.

Para ito sa kabutihan natin at kailan man ay hindi magiging mali ang matipid. May mga pwede tayong gawin tulad ng pagsasanay na bunutin ang mga electric plugs mula sa saksakan ng kuryente at pagpatay sa mga ilaw na hindi ginagamit.  Kung maraming TV sa bahay, pwede na mag-schedule ng panonood at magkaisa ang lahat sa bahay na sabay-sabay nang manood.

Pero sa isang ekonomiya, hindi sapat na polisiya ng pamahalaan ang magtipid. Hindi naman pwede sabihin na magpatay ng ilaw ang mga pabrika dahil ang isang oras na walang kuryente ay pwedeng makaapekto sa produksyon.

Minsan ay naiulat na bilyong piso ang nawawala sa mga call centers sa isang oras lang na walang ilaw.

Ang mga negosyante natin sa Mindanao ay umaangal sa madalas na brownouts doon, parusa sa kanilang mga negosyo. Ang mga ospital ay hindi pwede mag patay ng ilaw.

Sa isang ekonomiya, mahalaga ang murang kuryente at kuryenteng hindi nawawala, sapat at hindi nagkukulang.

Ang Earth Hour ay mahalagang paalala sa kahalagahan ng kuryente sa ating buhay pero matindi ang panawagan ng taong bayan. Ngayon na may mga gyera sa mga bansang nagbebenta ng langis matindi ang banta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa mahal na langis, mabigay ang hamon sa Pilipinas na magkaroon ng maraming trabaho para sa mga nangangailangang Pinoy. At saan galing ang trabaho? Sa mga negosyo.

At ang mga negosyo sa Pilipinas ay nangangailangan ng maasahang supply ng kuryente.  Kailan lang ay naibalita na ang Pilinas na ang may pinakamahal na halaga ng kuryente at isa ito sa mga dahilan kung bakit nangingimi ang mga investors na magtayo ng negosyo sa ating bansa.

Ang Earth Hour ay paalala, na mahalaga ang magtipid pero paalala din na kailangan nang masolusyunan ang problema ng bansa sa kakulangan ng kuryente.

Mag- text po kayo sa akin sa 09209280847 o email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa usaping ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply