PAL plane nabalaho sa Zambo airport

DAAN-daang pasahero ang stranded sa Zamboanga City airport makaraang mabalaho ang eroplano ng Philippine Airlines sa putikang bahagi ng runway ng naturang paliparan.

Papalipad na sana ang flight PR-124 patungong Maynila na nakatakdang umalis dakong ala-6:55 ng umaga at sinasabing dahan-dahang lumiliko na ito sa runway para mag-take off nang mabalaho.

Nahirapan namang makagalaw ang eroplano na may lulang 90 pasahero kaya pinayuhan ang mga sakay nito na bumaba saka dinala sa pre-departure area ng paliparan.

Naging dahilan naman ito ng pagkabalam at kanselasyon ng Cebu Pacific flights 5J-851/ 5J-852 Manila-Zamboanga at Zamboanga-Manila dahil nakabara sa runway ang eroplano ng PAL.

Napilitang mag-divert ang CEB flight mula Manila sa Davao para ibaba lang ang mga pasahero at saka bumalik sa Manila.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pangyayari at kung may pagkakamali ang piloto ng PAL habang isinasaayos nito ang eroplano para sa pag-take off.

Nabatid na ito ang kauna-unahang insidente na may nabalahong eroplano sa Zamboanga airport.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente. Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply